Hindi man ak0 isang makata
Ngunit ako din naman ay makakakatha
Sa pus0 sa isip ay may naiip0n na salita
Na nais ko din ipahiwatig at ipadama
Sa aking pag iisa aking napag isip isip
Na tila sa pus0'y may kakaibang hinagpis
Sa isang parte nito ay may kalungkutang hatid
Di ko alam kung paano ipapabatid
Alam ko marami akong di nagawang maganda
Sa isip sa salita at sa gawa
Alam ko rin na maraming beses ikaw ay akin nasaktan
Kaya ngay0n nagsusumam0 sa iy0ng kapatawaran
Sa dami ng ating pinagdaanan
Masaya man Masakit man 0 may kasinungalingan at kalungkutan
Nais k0ng iy0ng malaman na minahal kita ng bu0ng katapatan
Totoong pagmamahal aking inialay at nawa'y iy0 it0ng naramdaman..
Sa paghihiwalay ng landas na tatahakin
Sana'y matagpuan ang kaligayahang ninanais
Salamat na minsan sa buhay k0 naging parte ka nito
Sa puso k0 ang alaala mo ay dito nakatag0.
***********************************
*Marami pa sana akong nais sabihin,
Ngunit di mapigilan mata ko ay nag iinit
Ayan na Luha ko'y pumapatak na
Pati puso ko'y naninikip pa..
Sana,,sana..sana..aking sinasambit
Puno ng sana ngunit napapaisip
Alam ko namang pagkakamali ng kahapon
Di na maitutuwid..
Kaya hayaan k0 na lang ang panahon
Alam k0 kusa din itong maghihilom...
Yuan <3
No comments:
Post a Comment