Saturday, February 14, 2015

Dear EX

Dear Ex,

Maraming tao ang hindi naniniwala sa FOREVER. Aminin ko man o hindi, hindi man naging maganda ang ending ng lovestory nating dalawa ayokong maging bitter. Itanggi ko man o hindi, minsan din akong naging pinakamasayang tao sa buong mundo dahil sa ikli ng panahong naging akin ka, pinasaya mo ako. Siguro nga hanggang dito nalang talaga. Pero kahit ganun, salamat. Salamat dahil pinaramdam mo ang labis na saya at pinuno mo ng paru-paro ang dibdib ko kahit napaka-ikli ng naging forever natin. Hindi ko nga naisip na baka isang araw bawiin ang lahat ng saya at mapalitan ng luha. Pero ex, kung may dahilan man para huwag magalit sa iyo, iyon ay kahit hindi panghabang buhay ang naramdaman mo, hindi mo nakaligtaang buuin ang ngiti sa mga labi ko, kahit ala-ala nalang natin ang naiwan sa akin. Masaya ako. Dahil naging masaya ako. At naniniwala akong may forever. Kung hindi man talaga tayo. Salamat. Salamat sa forever mo.

Walang halong bitterness,
Ang Ex mong umaasa na sana bumalik ka kahit imposible na.

3 comments:

  1. It's been 8 years. How are you? I hope you are doing fine and happy. Gusto ko din pa lang magsorry for hurting you. I wish you are okey now.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga 8years ago.. Wow tagal na rin pala. You were forgiven. Ingat palagi..

      Delete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete