Sala sa Init, sala sa lamig..
Sala sa Init, sala sa lamig..
Iniwan ko ang katauhang iyon,
Upang hilumin ang sugat paglipas ng panahon.
Tadhana naging maalwan sa atin,
Biglang ibinigay ka rin.
Ngayon masaya na tayo,
Pilit siyang bumalik at sa akin ikaw ay inilalayo.
Pinili mo siya dahil sa mabigat na rason..
Siya namang pumapatay sa akin na lason.
Ngayon, para kayong aso't pusa,
Away rito at maging sakitan ang nakuha.
Nasusugatan ako sa tuwing ikaw ay nariringgang lumuluha,
Pero ayaw mo pa din siyang iparaya.
Sala sa init ang damdamin mayroon ka,
Sala sa lamig ang sitwasyong kagaya.
Paanu ka muling sasaya?
Kung palagian ka pa rin niyang pinapaluha.
May silbi pa kaya ang pagkakataong ibinigay?
May gayuma pa kaya ang siyang taglay?
Gayong ramdam ko ang pag ibig mo sa akin,
Kahit pa di mo man muling sabihin.
Sana matauhan ka na,
Nang muli kang lumigaya..
Kung di man sa kanya, puede bang akin ka?
Ikaw lang ang aking nag iisang nililiyag na Prinsesa.
No comments:
Post a Comment