Sunday, May 06, 2012

Kwentong Past,



Normal pa ba itong nararamdaman ko,namimiss ko ang taong dumaan
sa past ko.Yung taong minahal ko at naging bahagi ng buhay ko.
Yung taong madalas kong sabihan ng I love you..Yung taong nakasakit
sa damdamin ko na alam ko namang nasaktan ko din sya.

tsk tsk ang puso nga naman napakahiwaga..maliit pero ang daming laman..
Dito nakatago lahat ng ibat ibang klaseng emosyon...may masaya..
may malungkot..may tagumpay..at may kabiguan.

Minsan napapaisip ako..bawat emosyon ba ng tao na nasa puso ay
pwedeng matabunan? Tulad ng pag ibig mo noon sa iba at may bago ka na uling
minamahal. Yung dati bang pag ibig san napunta..nakatago lang ba yun
sa pinakailalim na lungga ng puso mo? At pedeng lumabas na lang bigla..tapos
gugulatin ka at sasabihin inlove ka pa sa babaeng yon..o kaya bigla na
lang mararamdaman na bigla ko syang namiss..

Bakit kaya ganon..pero hindi na dapat. Masaya sya..masaya ako..ano pang point para isipin sya..
Hehe senti na naman ako.

No comments:

Post a Comment