Tula-tulaan lang t0..
Ak0...
Natatandaan mo pa ba nong sinagot kita..
Matamis kong oo ay nasungkit mo na?
Hehe malamang syempre hindi pagkat wala namang sagutan na nangyari..
Walang oo..wala ring Hindi..when I asked you pede bang tayo na?
Wala man akong narinig na oo..
wala din namang pagtutol sa iyong puso..
Kahit wala pa naman talagang Love na nararamdaman..
Kundi simpleng pagtatangi lang..atin pa ring sinubukan..
Pareho tayong may pinagdadaanan sa nakaraan..
Mga sakit ng kahapon na pilit kinakalimutan..
Mali man ang ating naging paraan..
Ngunit umasa na magkakaroon din ang puso ng kapayapaan..
Alam kong hindi ganon kadali..
Pagkat sila EX sa isip pa din sumasagi..
Sabi mo pa nga baka "natatabunan lang ng kung anung meron tayo yung nararamdaman natin para sa kanila"..
Marahil nga sagot ng isip ko..dahil ang pagmamahal ay hindi ganon kadaling nawawala...
Si France..
Oo, yan lagi ang laman ng aking isipan
Paano nga ba kung totoo ang aking mga katanungan?
Subalit mas pinili ko ang salita mo na pagkatiwalaan
Kahit imposible sabi ng karamihan.
Hinayaan ko ang puso ang magpasya
Gabay ng utak na parang alkansiya.
Sa panunuyo mo ako naman ay nadala lalo pa at ito ay walang halong bola.
“Law ay” nga ako sabi mo pa.
Kinuwento ko sa iyo ang buo kong pagkatao
Maging ang personal na buhay ko
Ayoko kasing magpa-impress na animo ay isang perpekto
Pagkat iba pa rin ang pagiging totoo.
Marahil kapwa na rin tayo pagod na masaktan
Pagod na makipaghabulan sa wala ng pag asang pagmamahalan,
Kaya mas pinili natin na mga kamay ay hinawakan
Kahit pa may pangamba na muli na namang masaktan.
Lihim sa karamihan ng ating birtwal na mga kaibigan,
Sa kahon marami na tayong napag uusapan.
Pinangako na wala ng lihiman
Ng sa huli ay wala na ding pagsisihan.
Ak0...
Hindi pa man ganon kalalim ang pagmamahalan
Ginawang foundation ang friendship na nasimulan..
Ni share ang bawat anumang nararamdaman..
Gang sa mahuli ng lubusan ang bawat kalooban..
Pinag usapan bawat problema ng nakaraan..
Kung bakit..paano..at ano ang dahilan kaya pag ibig noon ay di nagtagal..
Pinayuhan ang bawat isa kung pano makalimot
Sa bawat araw alam nating may nadarama pang kiirot..
Paunti-unti ihip ng hangin ay biglang nagbago
Pinana na ang puso ko ni kupido
Matamis na ngiti sa labi ko at labi mo ay namumutawi
Kalungkutan sa puso ko'y biglang napawi
Mahal kita..mensahe ng puso ko
Mahal kita anuman ang nakaraan mo
Mahal kita kahit di ko alam kung san ito patungo..
Mamahalin pa rin kita tayo man ay magkalayo
Salamat sa pagbuo uli ng puso ko
Salamat sa pang unawa mo
Salamat lalo na sa pagmamahal mo
iingatan ko ito yan ang pangako ko
Alam kong hindi natin hawak ang panahon
Pwedeng oo o hindi, kapalaran sa atin ay umayon
Anumang mangyari sa kinabukasan
Pagmamahal ko sayo ay di ko pagsisisihan
Ngayong tayo ay nasa ikaapat na buwan
nawa'ypagmamahalan natin ay mas tumibay
Anumang problema/tampuhan ating pag usapan
Nang ating pag ibig ay di mawalan ng saysay..