Iba talaga tong movie na to di ako nagsasawang panoorin.
Scene1...Nagkita si Popoy at Basha after break up. Meron ng new girlfriend si popoy si Trisha.
Basha: Sana kaya ko lang tiisin ang sakit na nararamdaman ko. Kasi ako naman humiling nito diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko rin sabihin na masaya ako para sayo, para sa inyo. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh. Ang sama-sama kong tao. Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mong “Sana ako pa rin.” Ako na lang. Ako na lang ulit.
Popoy: Mahal ko si Tricia.
Basha: Alam ko. Alam ko.
Popoy: She had me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat yun.
Basha: Popoy, yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
Popoy: And you chose to break my heart.
...0uch hehe....heartbreaking...“You had me at my best…. And you chose to break my heart.” Nalabas lahat ng poot at galit ng lahat ng mga boyfriend at girlfriend who worked hard and gave their all in their relationships, but ended up heartbroken and alone....hehe
Scene2...Nung nagsuicide yung bestfriend ni popoy dahil iniwan ng girlfriend nya.
Popoy: Oh. Eh diba’t ikaw pa ang nagsabi sa akin na baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi baka merong bagong darating na mas ok? Na mas mamahalin tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paasahin. Yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay mo...
....gusto ko tong scene na to..parang nagbibigay sya ng hope that there is someone, something better for us..
Scene3..yun pagtapos na i-let go ni tricia si Popoy...akala ko mag reconcile na agad si popoy at basha,,,
Basha: I’m sorry. I’m sorry.
Popoy: No, im sorry. I’m sorry for not saying sorry before nung nasaktan kita. Nung kasing nagkahiwalay tayo, ang inisip ko sarili ko lang, yung nararamdaman ko lang, yung gusto ko lang. I’m sorry Bash naging madamot ako. Hindi ko inintindi na kelangan mo ring hanapin ang Bashang nawala nung minahal mo ako.
Basha: Yung Bashang mahal ka pa rin.
Popoy: Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sabihin sayo na… “Sana tayo na lang. Sana tayo na lang ulit.” Pero wag. Ssa tuwing nararamdaman ko kung gaano kita kamahal, hindi ko maiwasang maradaman ulit lahat ng sakit. And I’m sorry.
Basha: Anong dapat kong gawin?
Popoy: Ako na to eh, Bash. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon para makalimutan ko na lahat ng sakit. Para maalala ko lahat ng maganda at mabuti sa atin. Para mabalik yung Popoy na nawala nung magkahiwalay tayo. I want my heart to stop breaking, Bash. Para pag naging tayo ulit, kaya na kitang mahalin ng buong-buo na walang halong takot kung masaktan man tayo muli. Bash….
....hehe ganda noh..sa huli sila pa din ang nagkatuluyan...minsan may mabuti ding dinudulot ang break up...sana lahat may second chance..hehe,,,
No comments:
Post a Comment